in ,

Bata, ayaw umalis sa libingan ng kanyang mga magulang, umaasa paring makita niya ang mga ito!

Aminin man natin o hindi, sa panahon ngayon, masyado nating ibinubuhos ang ating oras at atensyon sa ating mga trabaho.

Sa hirap ng buhay, hindi na kaya ng ilan na iisa lamang sa magulang ang maghahanap-buhay.

karaniwan na lang na parehong ama at ina ay gumugugol ng oras sa pagtatrabaho. Ang nakakalungkot dito, tila napapabayaan na at hindi nabibigyan ng oras ang mga anak dahil sa pagka busy.

Loading...

Minsan marealize na lang natin bandang huli ang mga bagay na ito, kapag huli na ang lahat.

Ganito ang nangyari sa isang bata mula sa Bachok, Malaysia. Ang batang si Arfan, sa kasamaang palad ay naulila sa magulang matapos maaksidente ang mga ito sa isang motorsiklo.

Loading...

Sa murang edad, hirap si Arfan na unawain, bakit ayaw gumising ng kanyang mga magulang at bakit isinilid ang mga ito sa kahon.

Nang dumating ang araw na inihatid sa huling hantungan ang mag-asawa. Palaisipan parin sa musmos na bata kung bakit sila tinabunan ng lupa.

Ayon sa isang article ng Buzzooks, tila awang awa din ang mga kaanak ng bata na ngayo’s kumakalinga sa kanya na ipaliwanag ang pangyayari.

Kaya naman, napilitan ang kanyang mga kamag-anak na gumawa na lamang ng kwento at sabihing “nabubuhay” sa ilalim ng lupa ang kanyang mga magulang.

Loading...

Dahil dito, madalas na nagtutungo si Arfan sa puntod ng kanyang mga magulang at nag aantay sa muling pagbabalik ng mga ito.

Kwento pa ng tiyuhin ng bata na si, Azuan Shamsuddin, madalas daw na tinatawag ng bata ang kanyang ina sa tuwing maglalaro ito sa kanilang puntod.

Sa napakamurang edad ni Arfan, lubhang ,mahirap pala sa kanila na maintindihan ang pagkawala ng magulang. Isang ,mabigat na tungkulin para sa mga naiwan na gabayan at tutukan ang mga gaya ni Arfan. Hanggang sa dumating ang araw na kaya na nilang maintindihan ang lahat.

Loading...

 

 

 

 

Loading...

Written by adMin

LOOK: John Estrada is richer than you expect, had a golf course and glass window big house

Batang estudyante, inulan ng paghanga dahil sa kanyang hand writing na mala-computer ang font!