in ,

Batang estudyante, inulan ng paghanga dahil sa kanyang hand writing na mala-computer ang font!

Isang mag-aaral mula sa Nepal ang lumikha ng malaking ingay sa social media dahil sa natatangi nitong talento.

Nakilala si Swornima Shakya, isang grade 8 student sa Sainik Awasiya Mahavidyalaya sa Nepal bilang “Best Handwriting in the World.”

Ayon sa mga reports, nagwagi bilang Champion si Swornima sa World Handwriting Contest noon 2014. Ginanap ang nasabing contest sa New York, USA.

Loading...

Bukod pa dito, nahakot din niya ang mga awards sa iba’t ibang contest gaya ng mga sumusunod:

  • FIRST PLACE – Best Artistic Handwriting 2014
  • SECOND PLACE –  Best Functional Handwriting 2013

Sa pamamagitan ng kanyang sulat-kamay, nakuha niya ang pansin ang buong mundo. Nagsimula ang lahat sa isang larawan ng kanyang masterpiece na nai-post sa online kung saan kinabiliban ng maraming tao.

Loading...

Samantala, maraming mga netizen ang nagsasabing ang kanyang handwriting ay tila kayang lampasan ang MS Word sa paglikha ng mga typefaces.

Pinuri naman ng mga eksperto ang kanyang sulat-kamay, at ang ilan ay iminungkahi na ang kanyang mga gawa ay almost equivalent na sa pagiging perfect. May pantay na proporsyon ng mga puwang sa pagitan ng mga letra at mga words na maaaring ituring bilang isang bagong anyo ng calligraphy.

Sabi nga nila, ang hand writing ay maaaring sumalamin sa ating pagkatao. Humahantong din ito sa pagbuo ng tiwala sa sarili at sipag sa pag-aaral.

Kung tutuusin, hindi na uso ngayon ang handwriting dahil sa mga makabagong teknolohiya. Mas mabilis, mas magaan sa trabaho at mas mapapaganda pa ang gawa mo. Kaya naman ayon sa iba, unti unti ng naglalaho ang culture at heritage ng isang lugar dahil sa mga ito.

Loading...

Isa na rito ang Ancient arts at calligraphy.

 

 

 

Loading...

Written by adMin

Bata, ayaw umalis sa libingan ng kanyang mga magulang, umaasa paring makita niya ang mga ito!

Is that a baby bump? LOOK: Sarah and Matteo Guidicelli spotted on Dra. Belo’s clinic