in ,

Nabangga ng motor ang magarang sasakyan niya, ngunit nasorpresa na lang ang mga nakakita sa naging reaksyon ng may ari

Sa panahon ngayon, mahirap na ang kumita ng pera, kaya ganun na lang ang ingat natin sa ating mga naipundar na gamit.

Natural na lang na inis at galit ang maging reaksyon natin sa mga pagkakataong tayo ay naabala lalo na kung mapeperwisyo ang ating mga kinaiingatang pag aari.

Marami ng insidente ng pag aaway at pagtatalo sa kalsada ang nakuhanan ng video. Gaya ng mga banggaan at iba pang hindi inaasahang pangyayari.

Loading...

Bagama’t iba ang natunghayan ng mga tao sa isang pangyayaring ito at agad na nagviral ang ansabing video.

Nangyari ang isang hindi inaasahang banggaan sa Aurora underpass noong Setyembre 18.

Loading...

Sa Facebook page na Jessica SOHOT ibinahagi ang naganap na pangyayari matapos sumalpok ng motor sa likod isang kotse.

Nakuhanan ng video ang pagbaba ng driver ng kotse upang tingnan ang nangyari sa likuran ng sasakyan. Ngunit nasorpresa siya dito nang bigla tanungin ang rider kung ayos lamang ba ang motoristang nakabangga sa kanyang kotse.

Bukod pa dito, nagawa pa niya itong kamayan at saka sumakay na muli sa pabalik ng kanyang kotse na animo’y walang nangyari.

Sa pagkamangha, maririnig sa video ang naging reaksyon ng kumukuha ng video ang mga salitang “ang bait nung driver.”

Loading...

Kadalasan kasi sa ganitong sitwasyon, nangunguna ang galit, sisihan, away at singilan sa nagawang pinsala.

Kaya naman marami ang humanga at bumilib sa pinakitang ugali ng driver ng kotse sa pananatiling kalmado nito at pagpapakita pa ng malasakit sa nakabangga sa kanya.

Loading...

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Saludo q aq sau sir.. sana lahat ng driver gaya mo sir.. pasikatin ntn c sir.. d lng puro un mga masasama pinasisikat ntn.. un my mabbuting puso gaya ni sir…”

“Yan ang totoong mayaman mayaman din sa puso at pg mamahal. Kahit ilang sasakyan pa kaya nyang bumili. Kaya cool lng sya.”

“Gulat lahat sila sa nangyari'”.. haha… isang maginuo na marunung humarap sa sitwasyon ang nakita nyo.. haha’.. at madalang nalang sila..”

“Imbes na magalit doon sa KAMOTE. Nakipag shake hands pa!”

“Mukang mainitin ang ulo sa pisikal na anyo. Pero napaka kalmado na tao at maginoo sa totoo ugali.. Sana all.. Love u sir :)”

“Goodjob sir very humble alam mo isa lang materail ang sasakyan.pinaeral mo love of relationship eatch other.tnx sir i salute you sana marami pang katulad sayo tnx”

“Pinaka mahusay na napanood ko na nag video, sa talambuhay ko. “

“Ang bait nung driveeeer.. Imbis na magalit dun saaaa… dun saaaaa nakabangga nakipagshake hands pa may gash.”

“Yan Yong mga taong pinanganak na mayaman di tulad ng biglang yaman naging hayop Ang ugali at naging Mata pubre.”

“Madalas kasi arogante yung iba. Kaya na uuwi sa away.”

“Sana naman lahat mabait at sana pigilan ang pag iinit ng ulo”

“Kung sino pa ung tunay na may pera yan ang mga mababait, di tulad ng ibang feelingero lang malamang magwala lol”

Panoorin ang viral video:

Papunta kami ng bf ko sa Quezon City,. Di ko nakuhanan ng full video ang buong pangyayari ..Malapit sa may Camp Crame fly overnasa likod lang kmi nung nasalpok ng driver ng motor yung likod nung CRV,.,bumaba ung driver tiningnan ung likod ng sasakyan nya,.May gasgas ng konti akala nung motorcycle driver magagalit oh di kaya syempre hihingian para sa damage, yung iba kasi demanding eh pero laking gulat nya habang hinahawakan nya yung tuhod nya nung tinanong pa sya kung OK lang at nakipagkamay pa..Saludo ako sayo Sir. Sana All..💝God bless you Sir..At sa lahat po ng mga riders..Doble ingat nalng po kasi bibihira nalang din po ang mga taong marunong rumespeto at makaintindi sa ganitong sitwasyon.. 🤝💖🙏Mapapanood nyo din po sa You Tube Channel ko Jessica SOHOT pakisubscribe na din po..Thank you..🥰🙏

Posted by Kapus Puso Mo with Jessica Soohot on Wednesday, September 18, 2019

 

Loading...

Written by adMin

Is that a baby bump? LOOK: Sarah and Matteo Guidicelli spotted on Dra. Belo’s clinic

Jinkee Pacquiao’s Skin Care Routine Will Roughly Cost 38,000 Pesos!